Monday, October 14, 2013

KAPAG WALANG SIGNAL (Tagalog Collaboration Poem)

Kay lalim na ng gabi
Ngunit wala ka sa aking tabi
Ako'y naghihintay sa tawag mo
Nakalimutan mo na ba ako?

O giliw, ano bang nangyari?
Tila puso'y di mapakali
Sadya bang pinaglalaruan ng tadhana,
Ang signal na napakahina?

Kapag walang signal, tayo ay nag-aaway
Ngunit tayo'y walang kamalay-malay
Galit at puot ang naghahari
Di ko na kayang magkunwari

Parang may giyera na nagaganap,
Kapag ikaw ay di mahanap
"O signal, kami sana'y pagbigyan
Away, huwag sanang hayaan"

Isang signal ako'y biglang napangiti
Para bang may kumikiliti
Ngunit ito'y biglang nawala
Kaya ang puso ko'y unting napaluha

Napagtanto ko bigla,
At ako'y napatulala
"Pagkat ikaw pa rin habang buhay,
Kahit ang signal pa'y mamatay!












A tagalog Collaboration poem with Vegah friends.


(Collaborative or collective poetry is an alternative and creative technique for writing poetry by more than one person. The principal aim of collaborative poetry is to create poems with multiple collaborations from various authors.
Source of definition:

2 comments:

  1. A tagalog Collaboration poem with Vegah friends. haha I like that! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah yes dai, Vegah friends sila diri, and AGM mu hahaha

      Delete